EDU NAGPAALAM KAY LUIS NA MAKIKIPAG-DATE KAY CHERRY PIE

NAGSABI pala kay Luis Manzano ang kanyang amang si Edu Manzano na ide-date niya si Cherry Pie Picache. Nagulat daw si Luis, pero hindi niya ito pinigilan.

Pero sa totoo lang, una raw niyang nalaman ang tungkol kina Edu at Cherry Pie sa isang interview sa YouTube channel kung saan inamin niyang may relasyon sila ng aktres. Pareho raw silang nagulat ng asawang si Jessy Mendiola dahil hindi nila ito nahalata.

Bukod doon, may ipinadala raw na picture nina Edu at Cherry Pie sa kanya ang isang kaibigan, kaya siguro napilitan si Edu na sabihin sa kanya na nagdi-date na sila ni Picache.

“A friend of mine took a picture of them. He was with Dad and Tita Pie. Date night yata sila,” ani Luis. “So I sent the picture back to Daddy. I said, ‘Daddy, happy boy ka.’ Sabi niya, ‘Yes anak, happy.’”

Kwento pa ni Luis, ang saya-saya talaga ni Edu habang ikinukwento sa kanya si Cherry Pie at ang kanilang relasyon.

Matatandaang kinumpirma ni Edu na karelasyon niya si Cherry Pie. Dati siyang kasal kina Star for all Seasons Vilma Santos at Diamond Star Maricel Soriano, kung saan anak niya sina Luis at Sebastien respectively. Si Cherry Pie naman ay dating karelasyon ng isang Gary Tria hanggang 2006 kung saan may anak siyang ang pangalan ay Nio.

Nagkadebelopan daw ang dalawa da lock in taping ng ABS-CBN TV series na “Marry Me, Marry You,” kung saan kasama sina Janine Gutierrez, Paulo Avelino at Jake Ejercito. – KAYE NEBRE MARTIN