EDUCATION INSIDE JAIL

Pormal na ini­lunsad ng Department of Education (DepEd) at Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang kanilang partnership upang makapag-aral ang mga bilanggo o Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS).

Sa Memorandum of Agreement (MOA), committed ang dalawang ahensyang mabigyan ng edukasyon ang mga PDLs dahil naniniwala silang magiging susi ito sa epektibo nilang rehabilitasyon at reintegration.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, batay sa “Tagapangalaga Ko, Guro Ko” program ng BJMP, 2010 pa nila bi­nibigyan ng edukasyon Ng mga PDLs, at saludo siya sa pag-unawa at suporta ng BJMP sa kahalagahan ng edukasyon bilang bahagi ng rehabilitasyon ng mga prisonero.

Aniya, hindi lamang edukasyon ang ibinibigay nila kundi pag-asa at  dignidad.

Binigyang diin ni Angara na may 20,000 PDLs na ang naka-enroll sa ALS sa loob lamang ng nagdaang tatlong taon. Sa School Year 2023-2024 ay 5,596 ang naka-enroll sa elementary, 9,286 sa ju­nior high school, at 5,983 sa senior high school.

Nagpapasalamat naman si BJMP Chief Ruel Rivera sa DepEd dahil sa suporta nila sa mga or PDLs.

Aniya, patunay itong kayang lumikha ng bansa ng makatarungan at makataong lipunan.

Sa pagkakataong ma­kapag-aral ng mga PDLs, may pagkakataon na rin silang makapagpatuloy sa kolehiyo o TESDA upang magkaroon ng skills na mapakikinabangan nila sa kanilang paglaya.

Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, malaking tulong sa pagbabagumbuhay ang prison education.

Ito ang daan sa social and economic mobility, bagay na kahit hindi PDLs ay pinagkakaitab.

Mahigit 2.3 million tao sa Pilipinas ang nakakulong at nagkakaroon ng pagkakataong makapag-aral, samantalang ang mga nasa labas ay hindi makapag-aral dahil sa kakapusan.

DepEd ang may pinakamalaking budget taon-taon, ngunit nananatiling kulang  pa rin ang mga guro at umaapaw pa rin ang bilang ng mga mag-aaral sa bawat classroom.

Sa ngayon, may hiwalay nang pondo ang DepEd para sa PDL education, sabay sa pag-asang makatutulong ito upang mapigilan ang oaglaki ng prison population. Ngayon, sa halip na magdagdag ng kulungan, bigyan na lamang sila ng edukasyon para makapagbagumbuhay. Kung magkagayon, tagumpay umano ang rehabilitation.

Batay sa pag-àral, mahigit kalahati ng mga nakulong na nakalaya ang muling bumabalik sa prison dahil kahit pilitin nilang magpakabuti ay nahihirapan silang humanap ng trabaho. Ngunit kapag lumaya na ang mga PDLs na sumailalim sa PDL ALS program at TESDA skills trainings, pwede silang magtayo ng sarili nilang negosyo.

Ngunit mayroon pang mas logical argument sa prison education — isa itong murang paraan para mabawasan ang krimen. Alam naman ng lahat na kahirapan ang kadalasang sanhi ng paggawa ng masama.

JVNebre