KINUHA ng Minnesota Timberwolves si University of Georgia standout Anthony Edwards bilang first overall selection sa 2020 NBA draft noong Miyerkoles.
Pinili ng Timberwolves, na tumapos sa 19-45 sa coronavirus-disrupted 2020 season, si Edwards, na may average na 19 points per game bilang freshman, para mapalakas ang kanilang lineup na kinabibilangan nina young stars Karl-Anthony Towns at D’Angelo Russell.
“It’s an indescribable feeling,” wika ni Edwards mula sa kanyang tahanan sa Georgia sa ESPN broadcast ng draft.
“So many emotions,” aniya. “My family is emotional. I feel like when I get out of here I’m going to be emotional. It’s beyond measure to be in this situation.”
Ang 2020 draft ay isingawa apat na linggo makaraang kunin ni LeBron James at ng Los Angeles Lakers ang NBA crown matapos ang virus-disrupted season.
At idinaos ito limang linggo na lamang bago magsimula ang 2020-21 season sa December 22.
“We’ve all had to do our best, whether that’s agents, players, colleges, pros, so we’re thrust into that, too, and it makes for a lot of unknowns,” wika ni Golden State general manager Bob Myers, na ang Warriors ay hinugot si James Wiseman bilang second overall selection.
Si Wiseman, isang 7ft 1in (2.16m) center na naglaro lamang ng tatlong games para sa University of Memphis bago nag-withdraw para lumahok sa NBA draft, ay isang ‘imposing presence’ sa rim. Sinabi niya na nakahanda siyang magtungo sa Golden State at “learn as much as possible and just be the best version of me.”
Ang Warriors ay nangulelat sa Western Conference noong nakaraang season matapos na iwan ni Kevin Durant at hindi maglaro sina Stephen Curry at Klay Thompson dahil sa injuries.
Kinuha naman ng Charlotte Hornets, pag-aari ni NBA icon Michael Jordan, si LaMelo Ball bilang third overall pick.
May average siya na 17 points, 7.4 rebounds at 6.8 assists sa loob ng 31.2 minuto sa 12 games para sa Illawarra Hawks sa Australia’s National Basketball League noong nakaraang season.
Pinili naman ng Chicago Bulls si Patrick Williams bilang fourth pick habang fifth si Isaac Okoro para sa Cleveland Cavaliers at kinuha ng Atlanta Hawks si Onyeka Okongwu bilang sixth overall.
Si Killian Hayes ng France ang seventh overall sa Detroit Pistons.
Comments are closed.