Ano mang hangarin na pag-unlad ng lahat…
Mauudlot ito at masasadlak…
Kung ang Klima ay nagbabago nang ganap…
Malaking Krisis nga ang nagbabanta oh kay Saklap.
Kamakailan lamang ay kinumpirma ng mga Eksperto
Hindi malayong mangyayari na ang El Niño…
Tagtuyot sa Bansa saan mang dako…
Makaaapekto sa produksiyon ng pagkain, oh Delikado!
Kaya naman tama lamang ang ginagawang paghahanda,
Pagtutulong-tulong ng lahat ay sadyang naaakma.
Ito na ang panahon na hindi dapat ibalewala…
Pinangunahan ng Agriculture Department at iba pa nga.
Dapat ding mapagtuunang-pansin ang lumiliit ng kabukiran,
Ang walang patumanggang kumbersiyon sa mga Sakahan.
Sa darating na mga panahon at mga taon pang daraan…
Wala na tayong mapagtataniman at sa importasyon aasa na lamang.
Kaya nga sana ay ating pagtulungang maibalik…
Ugaling pagtatanim ng mga puno, gulay, at mga halaman sa paligid
Mga kabundukan Sikaping buhaying muli…
Magtanim ng mga Puno hanggang hindi pa huli.
Ang El Niño ay minsan na nating naranasan…
Hindi ba at napakalaki ang ibinagsak sa ating kabuhayan
Kaya ngayon gawin na nating daglian…
Sama-samang paghahanda, pagkilos at Malasakit sa kapaligiran.
Comments are closed.