TINATAYANG nasa 70 hanggang 80 porsiyento ang posibilidad na magkaroon ng El Niño sa bansa ngayong taon.
Sa pahayag ng Pagasa, nakataas pa rin ang El Niño watch ng ahensiya.
Sinabi ni Pagasa Climate Monitoring Chief Analiza Solis, mula Setyembre noong nakaraang taon hanggang sa kalagitnaan ng Enero ay ilang probinsya na sa Mindanao ang nakararanas ng dry spell partikular ang Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay, Bukidnon, Basilan, Maguindanao at Sulu.
Nakararanas naman ng tagtuyot ang mga probinsiya ng Ilocos Norte, Lanao del Norte at Lanao del Sur.
Ang dry spell ay nararanasan kapag hindi umuulan sa isang lugar sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan at kapag tumagal na ito ng limang buwan, tinatawag na itong tagtuyot.
Kapag nagtuloy-tuloy ay posibleng madagdagan pa ang mga lugar na apektado ng matinding tagtuyot pagpasok ng buwan ng Abril. NENET VILLAFANIA
Comments are closed.