‘ELASTO’ GIBA SA TEXTERS

TNT-RoS

GINIBA ng Talk N Text ang  Rain or Shine, 110-104, sa  out-of-town game ng PBA Governors’ Cup kagabi sa Passi City, Iloilo.

Umangat ang Ka­Tropa sa 3-4 kartada habang ang Elasto Painters, na ang karamihan sa players ay kinatawan ang Filipinas sa Asian Games, ay nabigo sa kanilang unang pagsalang.

Na-outscore ng KaTropa ang Elasto Pain­ters, 44-29, sa  third quarter upang magsimulang lumayo kung saan pumasok sila sa fourth quarter na may 89-78 bentahe:

Tumipa si Marcus Blakely, naglaro sa  TNT sa unang pagkakataon matapos magsuot ng uniform ng Purefoods franchise, ng 26 points, 14 rebounds, 8  assists, at 3 steals.

Gumawa naman si Troy Rosario ng 24 points at 7 rebounds para sa TNT at nagdagdag si Terrence Romeo ng 22 points, kabilang ang limang triples, upang mapalawig ng KaTropa ang kanilang winning streak.

Iskor:

TNT (110) –  Blakely 26, Rosario 24, Romeo 22, Pogoy 14, Garcia 6, Williams 6, Cruz 5, Carey 4, Trollano 3, Reyes 0, Semerad 0.

Rain or Shine (104) – Bullock 23, Yap 21, Norwood 12, Torres 9, Almazan 8, Belga 6, Ponferada 6, Onwubere 4, Tiu 4, Nambatac 3, Daquioag 3, Maiquez 2, Borboran 2, Casiño 0.

QS: 18-23, 45-49, 89-78, 110-104

Comments are closed.