ANG BILIS talaga ng panahon. Parang kailan lang, malaki na rin ang eldest daughter ni Arwind Santos at ng wife niya na former FEU/UAAP court-side reporter na si Yvetter Gavierrez. Si Yvette ay anak ni Danny Gavierrez, dating coach ng Tamaraws. Tatlo ang naging anak ng SMB player kay Yvette, dalawang babae at ang bunso nila ay lalaki. Ika nga, quota na si Arwind kasi may lalaki na sila. Sa ngayon, si Audrey, eldest daughter nila, ay namimili kung ano ang lalaruin, basketball o volelyball. Pero mas nais ni Audrey na maglaro ng basketball. Pinapayuhan ng mag-asawa si Audrey na volleyball na lang ang laruin kasi nga in demand naman ngayon ang volleyball compared sa basketball ng babae na medyo kulang sa exposure, unlike sa volleyball ay may TV coverage, may kontrata at pangalawa ito sa sinusubaybayan ng ating mga kababayan.
Nasa edad 12 na si Audrey, Grade 7 sa St. Paul sa Pasig. Wala pang interest si Audrey sa volleyball dahil medyo bata pa ito, pero as much as possi-ble ay mas nais ng kanyang Daddy Arwind na sa volleyball siya makilala. Ang Philippine National Women’s Volleyball team ay nag-uumpisa nang mag-recruit upang mag- training para sa under-23 team sa Volleyball ng Filipinas, Inc (LVPI) at ineteresado silang kunin si Audrey.
Si Audrey ay may taas na 5’8. Ang kanyang pangangatawan ay bagay na bagay sa volleyball. Abangan natin si Audrey sa volleyball world.
oOo
Nandito na sa bansa si Dindin Santiago-Manabat matapos ang pagiging import niya sa Japan. Naglalaro sa Foton si Mrs. Manabat. Happy naman si Dindin dahil balik-Pinas na siya at makakasama na ang kanyang pamilya, kapatid at magulang. Marami siyang natutunan sa paglalaro sa Japan. 25 yrs. old na ang dating player ng National University na gustong bumawi para pangunahan ang F2. Kaya pa rin niyang makipagsabayan kahit sa mga ba-guhan. Iba pa rin ang may experience sa paglalaro. Welcome back, Dindin.
oOo
Sa NCAA pa lang ay gumawa na ng pangalan si CJ Perez, tubong-Pangasinan. Hindi naging mahirap sa dating Lyceum player na makasampa sa PBA. Overall number one draft pick siya ng Columbian Dyip. Makikita naman sa laro ng player ang dibdibang paglalaro.Gayunman ay medyo alangan-in ang team ni Perez na makapasok sa semis. Hindi ito nawawalan ng pag-asa na darating ang tamang panahon na makapaglalaro rin siya sa semis at finals. Very inspired si ‘Baby Beast’, tawag sa kanya dahil may 3-month-old baby na siya sa kanyang asawa. Dumating sa buhay nilang mag-asawa si Baby Ciana Tanisha noong December 10,2018. Kaya nga kayod marino si Perez para sa kanyang pamilya. Tulad ng ibang mga daddy ay nawawala ang kanyang pagod kapag nakikita ang kanyang baby. Ang bawat laro umano ni CJ ay ara sa kanyang pamilya, higit sa lahat sa kanyang baby girl. Good luck, CJ.
oOo
Kailangan nang mag-level up itong si Kai Sotto. Tsika naming, posibleng huling taon na niya sa Ateno at tatanggapin na niya ang alok sa Europe. Sa NBTC, medyo nasapawan siya ng US boy na si Jalen. Isa pang tsika namin, last year pala ay tumungo sila sa Barcelona, Spain. Marami na rin namang nagsa-suggest sa kanilang pamilya na bigyan nila ng pagkakataon ang mga interesadong magti-train kay Kai. Sana nga ay makapagdesisyon na ang pam-ilya ni Kai nang makapag-train na ito sa ibang bansa upang lalo itong humusay sa paglalaro hanggang bata pa siya.
Pero nais ni Kai kung sakaling tutungo siya sa ibang bansa at sinumang makakuha sa kanya, kapag kinailangan siya ng national team natin ay payagan siyang makapaglaro.
Comments are closed.