SIMULA na ang election period sa Linggo, Enero 13.
Ang election period ay sumasakop sa kabuuan ng panahon ng halalan mula sa paghahanda hanggang sa isang buwan matapos ang araw ng halalan o sa Hunyo 12.
Iiral na simula sa Enero 13 ang gun ban sa buong kapuluan o pagbabawal na magdala ng baril, maliban kung may awtorisasyon ang Commission on Elections.
Bawal na ring baguhin ang lugar ng presinto o paglalagay ng bagong presinto para sa eleksiyon, paglipat ng mga empleyado ng pamahalaan, paggamit ng security personnel o bodyguard kung walang permiso ang Comelec, pagbuo ng reaction forces at strike forces at pagsuspinde ng mga halal na opisyal. DWIZ882
Comments are closed.