Mga laro ngayon:
(Ynares Center-Antipolo)
4:30 p.m. – NorthPort vs Columbian
6:45 p.m. – Alaska vs San Miguel
NALUSUTAN ng Blackwater ang Meralco, 94-91, upang makabalik sa trangko sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Sa panalo ay nakabawi ang Elite sa 106-124 pagkatalo sa NLEX sa huli nilang laro.
Sumandal ang Blackwater sa tres ni Paul Christian Zamar upang iposte ang ika-5 panalo sa anim na laro.
Kahit minsan ay hindi pa nagiging bayani si Zamar sa laro ng Elite at kahapon lang niya binuhat ang koponan sa come-from-behind victory sa pagkamada ng tres matapos magtabla at 91-91 sa split charity in Meralco import Allen Durham.
“Zamar save the game for us with his game-clinching triple. He played the hero’s role tonight against Meralco,” sabi ni coach Bong Ramos.
“We made adjustment in our game. And that has really paid off. They showed their true character. They courageously played hard and refused to wilt under pressure,” wika pa ni Ramos.
Tumipa si Zamar ng 13 points at ang kanyang tres sa huling mga segundo ang naghatid sa Blackwater sa panalo para mabalewala ang double-double performance ni Meralco import Allen Durham na tumirada ng 32 points at 21 re-bounds.
Umiskor si William Henry Walker ng team-high 24 points, kasama ang nagbigay sa Blackwater ng 86-84 kalamangan.
Naitabla ng Meralco ang talaan sa 86-86 sa dalawang free throws ni Allen Durham, may 1:45 ang nalalabi sa fourth period.
Dalawang beses pang nagtabla sa 88-88 at 91-91 ang laro bago ang game-clinching ni Zamar.
Sa pagkatalo ay nalagay sa balag ng alanganin ang kampanya ng Meralco sa quarterfinals. CLYDE MARIANO
Iskor:
Blackwater (94) – Walker 24, Belo 14, Zamar 13, Sumang 12, Maliksi 10, Jose 8, Sena 5, Pinto 4, Digregorio 2, Al-Hussaini 2, Javier 0.
Meralco (91) – Durham 32, Amer 14, Bono 10, Newsome 8, Caram 7, Lanete 5, Hodge 4, Salva 4, Tolomia 3, Jamito 2, Hugnatan 2, Atkins 0, Canaleta 0.
QS: 18-14, 40-37, 61-62, 94-91.
Comments are closed.