Mga laro bukas:
(Mall of Asia Arena)
4:30 p.m. – Dyip vs TNT
7 p.m. – Ginebra vs Meralco
PINANGUNAHAN nina Arnett Moultrie, Juami Tiongson at Alex Mallari ang paghahabol ng NLEX sa 10-point deficit upang matakasan ang Blackwater, 93-89, sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Naitala ng Road Warriors ang panalo sa kabila ng pagkawala ni rookie Kiefer Ravena na sinuspinde ng FIBA matapos magpositibo sa mga ipinagbabawal na substance.
Na-outscore ng Road Warriors, na naglaro rin na wala si Kevin Alas (ACL), ang Elite, 16-3, sa huling limang minuto at 23 segundo ng laro.
Nalimitahan ng NLEX ang Blackwater, nanatiling walang panalo sa pitong laro, sa field goal sa mainit na paghahabol nito.
Umangat ang NLEX sa 2-4, kung saan nanalo ito sa kanilang unang laro magmula nang i-ban ng FIBA si Ravena sa loob ng 18 buwan makaraang magpositibo sa tatlong ipinagbabawal na substances pagkatapos ng laro ng Gilas Pilipinas laban sa Australia sa FIBA World Cup Asian qualifiers sa Melbourne noong Pebrero 22.
Nagpasiya ang pamunuan ng Road Warriors na huwag paglaruin si Ravena hanggang hindi nakakakuha ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ng formal clarification mula sa FIBA hinggil sa kanyang PBA status.
Gayunman, natutuwa si coach Yeng Guiao at tumugon ang kanyang koponan sa hamon.
“It’s a good thing we were able to set aside all the distractions before this game,” wika ni Guiao. “We actually felt bad as a team with the situation of Kiefer. His suspension had a profound effect on everyone.”
“But our focus now is to move forward without Kiefer for the meantime. This win kinda put a little hope in our quest for at least a chance at the quarterfinals,” dagdag ng veteran mentor.
Iskor:
NLEX (93) – Moultrie 26, Tiongson 10, Mallari 10, Fonacier 9, Rios 8, Monfort 5, Baguio 5, Marcelo 5, Soyud 5, Ighalo 5, Quiñahan 3, Miranda 2.
Blackwater (89) – DiGregorio 25, Maliksi 16, Erram 14, Walker 12, Cortez 4, Belo 4, Al-Hussaini 4, Sumang 3, Palma 3, Zamar 2, Jose 2, Pinto 0.
QS: 26-18, 42-40, 67-71, 93-89
Comments are closed.