EMERGENCY SUBSIDY IPINAMAHAGI SA 4PS BENEFICIARIES

SEC NOGRALES

NAMAHAGI ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng emergency subsidy sa mahigit  3 million households na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa gitna ng banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sa isang virtual press briefing, sinabi ni Cabinet Sec.  Karlo Nograles na may kabuuang P16.3 billion na halaga ng emergency subsidy ang ipinamahagi sa 3.6 million households nitong weekend, habang ang ayuda para sa  4Ps beneficiaries na walang cash cards ay itinurnover na sa DSWD Regional Offices.

“The Department is working on the distribution arrangements with LGUs together with the City and Municipal links who will coordinate with the beneficiaries for the scheduled release of their emergen-cy cash subsidy,” wika ni Nograles, spokesperson para sa Inter-Agency Task Force (IATF).

“Pakiabangan na lang po ang anunsiyo  sa inyong mga lugar.”

Nilinaw naman ni Nograles na hindi kasali sa Social Amelioration Program (SAP) na nagkakaloob ng P5,000 hanggang P8,000 cash aid sa low-income families na apektado ng Luzon-wide enhanced com-munity quarantine ang  4Ps beneficiaries dahil ang kanilang buwanang  cash grant ay dinagdagan na ng emergency subsidy upang mapantayan ang halaga na ipagkakaloob sa ilalim ng SAP scheme.

Nauna nang sinabi ng DSWD na tanging ang low-income families na nabibilang sa informal sector ang kuwalipikadong tumanggap ng emergency cash subsidy na P5,000 hanggang P8,000 sa ilalim ng SAP ng Bayanihan to Heal As One Act.

“The amount of cash subsidy that each low-income family will receive will vary depending on the pre-vailing minimum wage rates in the region where they belong,” dagdag pa ng ahensiya.

Comments are closed.