EMPRESS SCHUCK IBINALITANG MAGANDA ANG TAKBO NG NEGOSYO, NAG-BRANCH OUT ULIT

WALANG ideya si Empress Schuck kung tuloy pa rin ang unang pelikulang reflectionpagsasamahan nila ni Cesar Montano. May balita kasi na iniwan na ni Cesar ang proyekto.

Nagulat si Empress nu’ng makarating sa kanya ang balitang ‘di na gagawin ni Cesar ang movie nila. Bagaman, umaasa si Empress na itutuloy pa rin ni Cesar ang pelikula nila.

“Hindi ko po alam na may ganyang balita tungkol sa kanya (Cesar), sa movie namin. Kasi honestly, wala po silang in-update sa amin, sa part ko. So, hindi ko po alam,” pahayag ni Empress nu’ng makausap namin siya sa grand opening ng bagong branch ng King’s Cup sa Paragon na nasa 3rd level ng SM Mall of Asia, Pasay City.

Isa pang isyu ang tinanong namin kay Empress na may kaugnayan siya in a way. Ito ‘yung nangyaring insidente sa Farmer’s Market na kinasangkutan ng isang LGBTQ member at ng janitress sa pambaba­eng palikuran.

Nasa loob kasi ng Farmer’s Market ang “King’s Cup” refreshment business ni Empress.  Kinumusta namin ang business ni Empress kung naapektuhan ba ang King’s Cup dahil may balitang pagbo-boycott daw ang gay community sa Farmer’s Market.

“Sabi ng (business) partner ko, si Andrei (Lim), nasa top 10 pa rin ang sales ng “King’s Cup sa Farmer’s Market branch namin. At saka, nag-uulan pa, may bagyo. Pero buti na lang hindi nagne-negative ang sales namin,” lahad ni Empress.

Dahil d’yan plano pa raw nila na maglagay ng isa pang branch ng King’s Cup sa Farmer’s Market sa ibang floor ng mall.

Pero bago ‘yan, muli silang nagbukas ng branch for King’s Cup sa Paragon na nasa third level ng SM Mall of Asia. Sina Chester Lusuan at Charles Cobankita ang kanilang partners sa Paragon branch ng King’s Cup.

Ikatlong branch na ng King’s Cup ang nasa Paragon dahil after sa Farmer’s Market, nag-open din sila sa Baguio, 3rd level Porta Vaga Mall (near UFC Taekwondo).

“Hindi namin ini-expect na magiging ganito kabilis ang pagba-branch out namin. Medyo mabilis siya na ‘di namin in-expect. Pero masaya naman dahil tuluy-tuloy ‘yung pagba-branch out namin,” say pa niya.

Pinagmamalaki ni Empress ang King’s Cup dahil sila lang daw ang may 16 karat gold sa kanilang frappe.

“At lahat ng items namin are more on the healthier side, We use sugar alternative. We use sucralose, parang mga Splenda, to cater for everyone. Kasi may mga lumalabas na article that milk tea raw is bad for the health. Kaya we’re proud kasi iba ‘yung sa amin at na-eliminate na namin ‘yun,” diin pa ni Empress.

MAHUSAY NA AKTOR BALIK NA NAMAN SA REHAB

KAKA-SAD naman ang balitang nakarating sa amin if true, ha.

Balik-rehab daw kasi ang mahusay na aktor pagkatapos mapanood muli sa telebisyon.

Nagkaroon daw ng relapse ang aktor at muling bumalik sa kanyang bisyo. Galit din daw ang ilang kamag-anak ng aktor sa bago nitong karelasyon.

Supposed to be, ‘yung girl daw ang magga-guide sa aktor para maka-recover sa kanyang sakit. Pero ‘yung girl pa raw ang dahilan kaya nag-relapse muli ang aktor.

Comments are closed.