NAGBUKAS na ng ikaapat na branch ng milk tea business si Empress Shuck, ang King’s Cup Blends sa Robinson’s General Trias, Cavite kamakailan. At bago matapos ang taon, may lima pang branch ng King’s Cup ang bubuksan.
Ayon sa business partner ni Empress na si Andrei Lim, “May 17 branches to be opened. Wala pa kasing makuhang location, pero makakahanap tayo ng locations. We’re working on it na now. So, meron kaming mga plans ni Em (tawag niya kay Empress). Saka kami ni Em nagtutulungan kami. So, hopefully, makakuha tayo ng five more bago matapos ang taon.”
Next na bubuksan nila na branch ay sa Las Piñas, Pasay, sa QC area at sa Market, Market sa Taguig.
Sandamakmak na rin ang milk tea stores sa Metro Manila at ilang karatig province, pero confident sina Empress at Andrei sa success ng King’s Cup dahil unang-una hindi mahal ang presyo nila.
“Eto kasi, ang difference natin sa milk tea sa kanilang lahat, puro Taiwan at pamahal nang pamahal pa. Ang King’s Cup, ang pricing natin naka-peg siya sa mga Filipino, panlasa, Filipino.
“And King’s Cup cares because zero fructose, gusto natin, guilt-free ‘yung satisfaction ng mga Filipino. At the same time, ‘yung value for money, with our gold, with the top care na taste and ingredients. But we’re not selling it for a very high price,” esplika ni Andrei.
Less than one year pa lang ang King’s Cup pero mabilis silang nakapag-create ng name sa milk tea business.
Say ni Empress, “konting improvement. Ibig kong sabihin, hindi pa naman kami ganoon ka-100 franchises pa ‘di ba? So, marami pa talaga kaming paghihirapan pa. Marami pa kaming paghihirapan para maabot ‘yung pinaka-success. Pero siguro ano, but at least, umaangat. Hindi kami bumabalik sa umpisa. At least, nagmo-move forward kami.”
For the first time, nakasama ni Empress sa grand opening ang kanyang partner na si Vino Guingona at baby nila na si Athalia.
“Siyempre ano, support niya sa akin ang pagpunta niya. Pero kasi, mahiyan kasi siya, e, kaya first time lang niya naka-attend sa grand opening. Kasi nga, taga-Zamboanga siya. Kahit naman malayo siya, may support naman kami sa isa’t isa. Hindi naman nawawala ‘yun,” paliwanag ni Empress.
Ipinag-drive pa raw siya ni Vino papunta ng Cavite kay mas na-happy ang feeling ni Empress that time.
“Ngayon lang, full support lang nga kasi sinamahan niya ako today. Pinag-drive niya ako. So, ayan, happy ako. ‘Tsaka kasi, friend din niya si Andrei ‘di ba? Magkaklase sila (sa La Salle University),” sabi pa ni Empress.
Pumasok na raw sa sistema ni Empress ang pagiging businesswoman.
“‘Tsaka parang nakikita ko na hindi lang dito ‘to. Parang mas marami pa. Sana. Hindi ko pa po alam. Mga five percent pa, oo. Siguro magpo-focus muna ako sa King’s Cup Blends namin. Pero definitely, hindi mawawala ‘yun na parang, gusto kong manganak pa ‘yung mga business ko.”
Samantala, sa raming naganap na marriage proposal sa showbiz lately —“Oo nga ‘no. Si Sarah Geronimo, si Sheena Halili. Kay Tita Becky din siya, e. Si Ate Val (Valerie Concepcion). Si Angel (Locsin),” kinikilig pang sabi ni Empress.
Kaya tinanong namin si Empress kung kailan naman kaya magpo-propose ng wedding sa kanya si Vino.
“Hayaan natin sila. Huwag tayong makipagsiksikan. Hahaha!”
Hindi pa raw handa si Empress na lumagay sa tahimik.
“Feeling ko kasi bata pa ako. Kasi, ewan ko. Siguro kasi, ngayon ko pa lang nararanasan ‘yung magganito. Kasi dati naman, nandoon lang ako sa poder ng nanay ko. Lahat ng desisyon, siya. So, never ako naka-experience magkaroon ng desisyon. Kaya ngayon, parang, parang ine-enjoy ko ngayon, e, ‘yung freedom ko. Nand’yan naman siya naka-support sa akin. Okey naman kami.So, mag-wait muna kami. Hindi naman kami nag-mamadali.”
E, kailan kaya plano ni Empress magpakasal?
“Kung 26 ako ngayon, ‘di ko alam. Baka 40, hahaha! Feeling ko mas marami pa akong gagawin sa mga susunod na taon, e.”
Payag si Vino mag-wait?
“Kaya niya ‘yan. Hahaha! E, kung mahal niya talaga ako, hihintayin niya ako ‘di ba?”
Sana nga.
Comments are closed.