COTOBATO-LIMA katao ang namatay habang tatlo ang malubhang nasugatan matapos ang matinding palitan ng putok ang dalawang mataas na opisyal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na naganap sa Pikit sa lalawigang ito.
Batay sa report, isa sa mga nasawi ay nakilalang si Lito Catulang Quenoñes, may sibilyan na naipit sa gulo at apat sa panig ng magkaaway na grupo habang tatlo naman ang nagtamo ng malubhang nasugatan.
Nabatid na nagka – engkuwentro sa Sitio Galigayunin, Brgy. Macabual, Pikit, North Cotobato ang grupo nina Kumander Bugdad Macalam Akas at Usdadz Walid Mamasamlang pawang mga miyembro ng MILF.
Dahilan sa tindi ng palitan ng bala mula sa matataas na kalibre ng armas ng grupo ng dalawang lider ay agad na tumakas ang ilang residente patungo sa mga ligtas na lugar.
Nabatid na nag-ugat ang alitan nang patayin ang chairman ng Brgy. Macabutal na si Jalandani Matalam Akas noong nakalipas na buwan at gumanti ang mga kamag-anak ng biktima.
Natigil lamang ang gulo ng mamagitan ang mga Lider ng MILF, Militar, PNP, at LGU – Pikit.
Hanggang sa kasalukuyan ay nananatili sa evacuation center ang ibang nagsilikas habang ang iba ay patuloy na nakikitira sa kani-kanilang kamag-anak kung saan ay takot pang bumalik sa kanilang lugar sa dahilang ang mga mag-kaaway na grupo ay nananatili sa kanilang lugar. EVELYN GARCIA