(Enhanced Managing Police Operations pagaganahin) PNP HANDA SA ANNIVERSARY ATTACK NG CPP-NPA

cpp-npa

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na handa ang kanilang puwersa na ilatag ang seguridad laban sa posibleng pag-atake ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa kanilang ika-51 ani­bersaryo sa Disyembre 26.

Sa press briefing kahapon na pinangunahan ni PNP Deputy Chief for Ope­rations, Lt.  Gen. Camilo Pancratius Cascolan, iki-nasa na nila ang operation “Paskuhan 2019”  habang magagamit din ang kanyang dating programa na Enhanced Managing Police Operations (E-MPO).

“This operational plan encompasses other operation campaigns – from law enforcement to public safety, primarily internal security,” ayon kay Cascolan.

Ang paglalatag aniya ng full alert sa PNP ay upang maiwasan na may masaktan sakaling magsagawa ng aktibidad ang CPP.

Batay sa record, tumataas ang hostilities kapag may pagdiriwang ang CPP at ang paglalagay sa full alert sa police force ay hindi naman one sided dahil layunin nito na matiyak ang kaligtasan ng lahat

Pahayag pa ni Cascolan na aware ang pamahalaan na kadalasan sa pagdiriwang ng CPP ay may mga aktibidad ito na kadalasan ay nakasisira sa katiwasayan kaya naman ipatutupad nila ang binalangkas na E-MPO na naglalayon mapaliit ang crime incidents at madagdagan ang mga solusyon, mapataas ang antas ng pagiging alerto, mapataas ang community awareness, mapagana ang koordinasyon ng government agencies sa pamamagitan ng patuloy na simulation exercises at matiyak ang katatagan ng crisis management.

“Every time we are hit by the NPAs we should be prepared, we should know what to do in case we are attacked by our enemies,” dagdag pa ni Cascolan.

Magugunitang simula noong Linggo ng alas-6 ng umaga, Disyembre 15, ay ipinag-utos ni PNP officer-in-charge, Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa na itaas ang full alert sa sa Luzon at Visayas para matiyak na matiwasay ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon na magtatagal sa Enero 5, 2020. EUNICE C.

Comments are closed.