TINATAYANG aabot sa 32 persons under investigation (PUI’s) ang kasalukuyang isinasailalim sa quarantine sa Lungsod ng San Juan makaraang makumpirma rito ang ikalimang kaso ng 2019 Coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.
Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, karamihan sa 32 PUI ay mga tauhan ng mismong ospital kung saan naman naka-confine ang ikalimang pasyente at unang kaso ng local transmission ng COVID-19.
Gayunman, sinabi ni Zamora na wala sa mga ito ang nakitaan ng sintomas ng sakit dulot ng naturang virus
Kaugnay nito, naglabas ng Executive Order 034 si Zamora na nag-aatas sa pamahalaan at pribadong eskuwelahan na magkasa ng mandatory disinfection at sanitation gayundin sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan at pribadong negosyo.
Ngayong araw, sinuspinde ng lokal na pamahalaan ang klase sa lahat ng paaralan sa lahat ng antas sa lungsod maging iyong mga pagtitipon tulad ng seminars, team buildings, atbp. upang maiwasang kumalat pa ang naturang virus. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.