HINILING ng isang kongresista na maglabas ng Executive Order si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagtapyas ng taripa sa ilang imported na produkto.
Naniniwala si Iligan City Rep. Frederick Siao na makatutulong sa pagbaba ng presyo ng mga bilihin sa bansa ang pagtapyas sa taripa sa ilang imported items.
Aniya, magagawa lamang ito kung maglalabas ng Executive Order ang Palasyo.
Dagdag pa ng kongresista, sa ganitong paraan ay malaki ang tsansa na maibaba agad ang presyo ng ilang pangunahing bilihin.
Pinabababaan hanggang sa zero ang taripa sa ilang imported na produkto tulad ng karne, gatas, sabon, gamot at engine lubricants ng makina at aircraft.
Sinabi ni Siao na ang ilang imported products ay malaki ang impact sa pagtaas ng production at retail cost ng LPG, pagkain at ilang consumer items sa bansa. CONDE BATAC
Comments are closed.