ISANG Executive Order ang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na naglalatag ng four-year strategy laban sa money laundering at countering terrorism financing.
Ang Executive Order No. 68 ay nagtatakda ng pagtatatag ng National Anti-Money Laundering and Countering the Financing of Terrorism Strategy (NACS) 2018-2022.
Kaugnay nito ay inatasan ang mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na ipatupad ang NACS para sa implementasyon ng mga plano at programa na posibleng may malaking epekto sa AML/CFT efforts ng gobyerno.
Nakasaad din sa nabanggit na EO ang pagtatatag ng National AML/CFT Coordinating Committee (NACC) na siyang mangunguna sa inter-agency coordination na nakatutok sa development ng pambansang politika ng AML/CFT alinsunod sa mga batas at international standards ng AML/CFT.
“It shall also “champion” the implementation of the NACS 2018-2022 and provide directives to relevant agencies on major issues on the implementation of the strategy,” ang sabi pa sa EO.
Ang komite ay pamumunuan ng Executive Secretary o sinumang kanyang awtorisadong kinatawan habang tatayong vice chairman naman ang Bangko Sentral ng Pilipinas Governor at AMLC chairperson.
Ang ibang miyembro ay kinabibilangan ng secretaries ng Departments of Foreign Affairs, Department of Finance, Department of Justice, Department of National Defense, Department Interior and Local Government, Department of Trade and Industry, chairperson ng Securities and Exchange Commission, Insurance Commissioner, chief executive officer at chairperson of the Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), administrator ng Cagayan Economic Zone Authority at presidente ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority.
Ang Anti Money Laundering Council ang magsisilbing secretariat ng NACC na naatasang mag-organisa ng iba’t ibang sub-committees na magpapatupad ng mga babalangkasing specific strategic objectives at relevant action plans ng NACS. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.