EXCITED na si Direk Enrico S. Quizon na magsimula sa shooting ng Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment sa May. Kung noong una ay si Diamond Star si Maricel Soriano lamang ang sabi niyang lead star niya, nang makausap namin siya noong thanksgiving lunch nina Mother Lily Monteverde at Manay Marichu Perez-Maceda to welcome back Senator Bong Revilla, may bago raw kasama sa cast si Maricel.
“Si Ms. Susan Roces at si Martin,” sabi ni Direk Eric. “Yes, pumayag si Concert King Martin Nievera na gumawa ng movie.”
Pero hanggang doon lamang ang kuwento ni Direk Eric. Wala pa siyang binanggit kung ano ang title ng movie at kung ano ang characters na ga-gampanan nina Ms. Roces, Maricel at Martin. Ang alam lamang namin, ang story ay sinulat ni Jose Javier Reyes. Tunay na kaabang-abang ang movie, na ngayon lamang muli mapapanood na aarte si Martin, na sa concert scene lamang natin madalas mapanood.
BARBIE FORTEZA AT MIKA DELA CRUZ NAINTRIGA SA KANILANG ROLE SA SERYE
NAGSIMULA nang mag-taping ng bago nilang primetime teleserye sina Barbie Forteza at Mika dela Cruz, ang “Kara-Mia.” Pero ang mga netizen excited nang mapanood sina Barbie at Mika na nagkasama na sa rom-com series nilang “Meant To Be.” Tanong nila, based sa teaser ng serye, kambal silang dalawa, paano raw nangyari na dalawang mukha pero isa lamang ang katawan nila?
Based sa true story ang serye, na ipinanganak silang may tinatawag na Disprosopus or craniofacial duplication, isang congenital defect na dalawa ang mukha nila pero isa lamang ang kanilang katawan. Kaya sa teaser napapanood na kapag nakatalikod si Kara (Barbie), mukha ni Mia ang makikita.
Nang i-offer sa kanilang dalawa ang serye, inamin nina Barbie at Mia na naintriga sila sa concept at kung paano gagawin ito. Pero nang magsimula na silang mag-taping, naunawaan na nila ang story at nasanay na sila sa character nila. Ang isa pang kaabang-abang, paano kapag nagmahal na sina Kara at Mia? Makakatambal ni Barbie ang real life sweetheart niyang si Jak Roberto at first teleserye naman ito ni Paul Salas sa pagbalik niya sa GMA Network.
GMA WAGI SA RATINGS
CONGRATULATIONS sa GMA Network dahil sa ratings ng kanilang mga programa, from December 31, 2018 to January 8, 2019, nanguna sila na sa Top 25 programs, 14 ang sa kanila, based sa AGB Nielsen survey. At number one (1) dito ang “Kapuso Mo, Jessica Soho,” na napapanood every Sunday evening, napataob nito ang “Ang Probinsyano” na nasa number two (2) naman. Kasama rin ang mga programang “Magpakailanman,” “Dad-dy’s Gurl,” “Pepito Manaloto,” “Onanay,” “Daig Kayo ng Lola Ko,” at “24 Oras,” “Studio 7,” “Amazing Earth,” “Cain at Abel,” at “2019 GMA New Year Countdown.”