WALA pang direktang pag-amin pero kalat na kalat na sa apat na sulok ng showbiz at sa social media ang umano’y marriage banns ni Kapamilya star Erich Gonzales at boyfriend nitong si Mateo Rafael Lorenzo. Ikakasal na raw sila sa Marso 23, 2022.
Kasama sa information ang mga pangalan ng magulang, address, at edad na tumutugma naman sa information ukol kay Erich.
Sa Saint James the Great Parish sa Alabang, Muntinlupa City raw gaganapin ang kasal, pero wala pang pormal na announcement si Erich tungkol dito. Hindi na nakakagulat ito dahil nangyari na rin ito kina Carla Abellana at Tom Rodriguez na naunang kumalat din ang wedding bann nila bago pa man ang announcement.
Alam naman nating hindi masyadong open si Erich sa kanyang private life lalo na kay Mateo. Ang alam lang natin, 2018 niya inaming may non-showbiz suitor siya na kapatid daw ng boyfriend ni Claudia Barretto na si Basti Lorenzo. Bilyonaryo raw ang boyfriend ni Erich at ang pamilya raw nito ay nagmamay-ari ng mga kumpanya at maraming pag-aaring properties. Natatakot tuloy ang mga supporters ni Erich na baka patigilan na siya sa pag-aartista pag naikasal na sila.
ANNE CURTIS WILL BE BACK
Ang gaganda ng mga pictures ni birthday girl na si Anne Curtis sa kanyang Instagram na kuha ng sikat na photographer na si Shaira Luna. Ginawa ring peg sa photoshoot ang fashion idol ni Anne na si Audrey Hepburn. Sa unang tingin, mukha talaga siyang ang Hollywood icon na si Audrey.
Kahit si Karen Davila, nabudol ni Anne. Ayon pa kay Karen, “OMG I literally thought it was an old photo of Audrey Hepburn!! Uncanny!”
Kasama sa video post niya pagsasabing babalik na siya at malapit na ‘yon. Nilagyan niya ito ng caption na: “This is for everyone I LUV.” Tuwang tuwa naman ang mga kaibigan niyang sina Solenn Heussaff, Jessy Mendiola, Marian Rivera at Angel Locsin.
Matapos ang dalawang taong break sa showbiz, tila handa na si Anne na magbalik sa limelight. She gave birth to Dahlia Amelie last March 2020. Luckily masipag siyang mag-update sa mga kaganapan sa kanyang buhay sa kanyang mga IG posts at talagang hands-on mother siya. Mapapanood na kaya si Anne sa It’s Showtime bago matapos ang February?
ANGELINE QUINTO IBINANDERA NA ANG LARAWAN NG LALAKING NAKABUNTIS SA KANYA
NAGULAT ang maraming netizen nang walang kaabug-abog ay ilantad ni Angeline Quinto ang kanyang non-showbiz boyfriend at ama ngkanyang ipinagbubuntis.
Sa kanyang latest vlog kung saan inilabas niya ang kanyang maternity shoot, the Kapamilya singer finally shared a photo of her showing her baby bump and the father of her son. Earlier this month, Angeline revealed the gender of her baby.
Three weeks ago sa kanyang “Q&A buntis edition” vlog, may nagtanong kung handa na siyang ilantad at ipakilala sa publiko ang ama ng kanyang dinadala.
“Darating tayo dyan. Sa ngayon, ang hihingin ko lang sa inyo ay ibigay n’yo muna sa akin ang moment na ito habang pinagbubuntis ko ‘yung magiging anak ko,” sey ni Angeline.
Dagdag pa niya, “Hindi ko naman ‘yun ipagdadamot sa inyo dahil lahat naman ng mga espesyal na nangyayari sa akin, espesyal na mga tao sa buhay ko, talagang ipapakilala at ipapakita ko sa inyo.”
Ngayon, ready na siyang iharap sa mundo ang kanyang bf dahil ilang buwan na lang ay isisilang na niya ang kanilang baby. Bigla namang naatat ang mga Marites at isiningit kung ang kasunod nito ay kasalan na. Malay natin, baka after niyang manganak, gulantin tayo ni Angeline sa kanyang wedding pasabog.