KINUHA ng TnT Katropa si center Poy Erram sa isang three-team trade na kinasasangkutan ng NLEX at Blackwater.
Ang 6-9 slotman ay hinugot ng KaTropa mula sa Blackwater Elite, na muling kinuha si Erram mula sa NLEX kapalit nina Anthony Semerad at Rabeh Al Hussaini.
Bukod dito, kinuha rin ng Road Warriors ang karapatan sa 2020 first round pick ng Blackwater at sa 2021 second round draft pick.
Kalaunan ay dinala ng Blackwater si Erram sa Katropa para kina Marion Magat, Ed Daquioag, Yousef Taha at sa 2021 at 2022 first round picks ng TNT.
Hinugot ng TNT si Erram sa kanilang fifth pick sa second round ng 2013 Draft subalit hindi pinapirma ng kontrata.
Pumirma si Erram sa Blackwater sa sumunod na season at naglaro sa Elite hanggang sa ipamigay siya sa NLEX sa kalagitnaan ng 2019 Philippine Cup.
Comments are closed.