ESPORTS: E-GILAS BIGONG DEPENSAHAN ANG KORONA

e gilas vs e boomer

YUMUKO ang E-Gilas Pilipinas sa Australia sa grand finals ng FIBA Esports Open 2020 II noong nakaraang weekend upang mabigong depensahan ang kanilang korona sa Southeast Asia/Oceania Conference.

Nanguna ang mga Pinoy sa grupo sa pagtatapos ng eliminations, kung saan dinurog nito ang Australia, 76-45, sa kanilang huling asignatura.

Subalit binaligtad ng e-Boomers ang mga pangyayari sa grand finals, kung saan winalis nila ang Filipinas,  62-54, at 69-54, upang kunin ang korona.

Ito na ang ikalawang conference title para sa Australia, makaraang magwagi sa Oceania Conference noong Hunyo. Bigo naman ang Filipinas na sundan ang kanilang dominant run sa Southeast Asia sa first edition ng Esports Open.

Si Benjamin Klobas ang itinanghal na Most Valuable Player para sa Australia.

Ang Team Pilipinas ay binubuo nina Angelico Cruzin aka Shintarou; two-time NBA 2K Asia champion Aminolah Polog Jr. aka Rial; NBA 2K17 Asia champion Custer Galas aka Custer, NBA 2K18 Asia champion Philippe Alcaraz Herrero IV aka IzzoIV; Clark Banzon aka Clark; at reserves Arnie Sison ELChapO at  Rocky Braña aka Rak.

Si Nite Alparas ang coach ng koponan.

Comments are closed.