MAGIGING full medal event na ang eSports sa 2022 Asian Games, isang malaking hakbang tungo sa mainstream para sa sport na naghahangad na mapabilang sa Olympics.
Ang eSports at breakdancing ay kapwa kasama sa programa para sa Games sa Hangzhou, China, sa Olympic Council ng general assembly ng Asia sa Muscat nitong linggo.
“I hope that electronic sports will add value to the Asian Games –- and I am sure it will in the future, during the Asian Games 2022 and even beyond that,” wika ni OCA’s Asian Games director, Haider Farman, sa isang statement.
Ang eSports ay isang kilalang demonstration event sa 2018 Asian Games sa Jakarta, at medal sport sa 2019 Southeast Asian Games na ginanap sa Filipinas.
Sa kasalukuyan ay bigo ang mga pagsisikap na isama ang eSports sa Olympics, subalit dahil sa COVID-19 pandemic ay naghahanap ng mga bagong ideya ang mga organizer.
Noong Abril ay nanawagan si International Olympic Committee president Thomas Bach na agad na imbestigahan ng kilusan ang electronic versions ng sports.
Ngayong buwan ay inaprubahan ang breakdancing, skateboarding, surfing at sport climbing para sa Paris 2024 Olympics.
Comments are closed.