ARESTADO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ilalim ng pamumuno ni Director, Chief Supt. Joselito Esquivel Jr matapos ang isang estudyante na umano’y nagbebenta ng ipinagbabawal na droga.
Ayon sa ulat, isang bloke ng marijuana ang nakuha mula sa suspek matapos isagawa ang buy bust operation laban sa suspek at maaresto naman ang iba pang 28 suspek sa mga ikinasang anti-criminality at anti-illegal drug operations ng Quezon City.
Ayon pa kay Esquivel Jr. ang estudyante na si alyas JC, 18–anyos, ay inaresto ng La Loma Police Station (PS 1) sa ilalim ni Supt Camlon Nasdo-man, bandang alas 5:00 ng umaga March 1, 2019, sa kahabaan ng Agusan St., malapit sa kanto ng Mariveles St., Brgy. Salvacion.
Isang undercover na operatiba ang nagpanggap bilang buyer at siyang bumili ng isang bloke ng marijuana na halagang P3,000 dahilan upang arestuhin ang suspek.
Habang ang kasamahan naman nito na si Justine Joseph Dedoro ay mabilis na nakatakas. PAULA ANTOLIN
Comments are closed.