ESTUDYANTE MALUBHA SA PANANAKSAK

sinaksak

CALOOCAN CITY, – NASA malubhang kalagayan ang 19-anyos na estudyante matapos saksakin ng isang galit na noodle house attendant, kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sanhi ng tinamong saksak sa dibdidb si Joven Tacleon ng Lot 581, Brgy. 171 Bagumbong.

Kinilala naman ni Caloocan police deputy chief for administration Supt. Ferdie Del Rosario ang suspek na si alyas Arjay, 19, Bagumbong na nahaharap sa kasong frustrated homicide at malicious mischief sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, alas-9 ng gabi, nakita ni Antonio Hellares, 44, ang suspek na bumunot ng patalim saka nilapitan si Tacleon na nakatayo sa harap ng Visaya sari-sari store sa Amscaller Association at walang sabi-sabing tinarakan sa dibdib ang biktima.

Matapos ang pana­nak­sak, mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksiyon habang isinugod naman ang biktima ng kanyang ama sa naturang pagamutan.

Humingi naman ng tulong si Hellares sa mga elemento ng Caloocan Police Community Precinct (PCP) 6 at sa isinagawang follow-up operation ay naaresto ang suspek.

Bago ang insidente, nakita ang suspek na na­napak ng isang bystander sa kahabaan ng Amscaler Association bago sinad­yang tadyakan ang motorsiklo na pag-aari ni Hellares na nakaparada sa harap ng Visaya sari-sari store dahilan ng pagkasira ng headlight at side mirror nito.  EVELYN GARCIA

Comments are closed.