ETERNAL PLANS: Karamay mo sa Buhay!

ETERNAL PLANS-4

MULA NOON hanggang ngayon, at sa darating pang panahon, ang Eternal Plans ay patuloy na magsisilbing “Karamay mo sa Buhay”.

Sa loob ng mahigit na apatnapu’t dalawang taon, ang Eternal Plans ay naging kaagapay ng pamilyang Pilipino sa bawat hamon ng buhay. Mula sa pagtupad ng pangarap ng bawat scholar nito sa tulong ng Education plan, sa pagsiguro ng pinansiyal na kakayanan sa tulong ng Pension plan, hanggang sa pagpawi ng kalungkutan ng mga nagdadalamhating damdamin sa tulong ng Memorial Plan.

At sa gitna ng kabi-kabilang pagsubok, ang Eternal Plans ay nanatiling matatag at patuloy na nagserbisyo sa mga planholders nito. At sa bawat hakbang na tinatahak ng kumpanya ay naging katuwang nito ang kanilang mga empleyado, mga ahente, ang buong pamunuan at ang ALC Group of Companies. Ang Eternal Plans ay isa sa mga kumpanya sa ALC Group of Companies na itinatag ni Amb. Antonio L. Cabangon Chua.

Sa paglipas ng mga taon, patuloy ang pagpapaunlad ng mga serbisyo ng Eternal Plans upang matugunan ang mga pangangailangan ng bawat pamilyang Pilipino. Nananatiling tapat sila sa kanilang pangako na maging karamay sa buhay ng kanilang mga kliyente sa pamamagitan ng paghahatid ng mga solusyon sa mga hamong pinansyal.

Sa kahit anong oras, ang Eternal Plans ay mananatiling “Karamay Mo sa Buhay”, laging handang tumulong at maging kaagapay sa bawat yugto ng buhay ng kanilang mga planholder.