MAGSASAGAWA ang pre-need company Eternal Plans Inc. ng mga drastikong hakbang upang masiguro na malalagpasan ng kompanya ang pagbagsak ng ekonomiya dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Elmer Lorica, president and chief operating officer ng Eternal Plans, ang pagtutuloy-tuloy ng kompanya ang pangunahing konsiderasyon sa harap ng pagbaba ng kita ng 70% sa second quarter ng taon, at maliit na pag-igi lamang ang inaasahan hanggang sa katapusan ng taon.
Kabilang sa mga drastikong hakbang na ipinatutupad ay ang pagtapyas sa operations costs sa pama-magitan ng pagbabawas ng mga sangay at support staff. Labingwalong sangay ang maaaring pagsama-samahin o isara sa katapusan ng Hunyo, at 70% ng mga empleyado ang tatanggalin o pagbabakasyunin.
Sinabi ni Lorica na “painful as these measures are, these have to be done to ensure that the company survives the COVID-19 crisis. The benefit that we offer is happening in the future. Eternal Plans has to be there to make this happen.”
Umaasa ang pamunuan ng Eternal Plans na sa pagpapatupad ng mga hakbang na ito ay malalagpasan ng kompanya ang nakababagabag na ‘uncertainty’ na nakapalibot mismo sa virus, ang availability ng bakuna laban sa sakit at ang mga epekto sa ekonomiya ng mga hakbang na isinasagawa upang mapigi-lan ang pagkalat nito.
Bagsak din ang investment ng Trust Fund, kung saan hinuhugot ang mga benepisyo ng planholders. Ang Trust Fund income at value, na hindi pa ganap na nakakarekober mula sa pre-need crisis, ay muling nahagupit sa pandemya na kinakaharap ng buong mundo.
Sa depressed value, ang Trust Fund assets ay hindi maaaring i-liquidate nang walang incurring losses.
Ayon kay Lorica, sa kasalukuyang sitwasyong ito, ang kakayahan ng kompanya na maglabas ng plan benefits sa takdang oras ay labis na maaapektuhan. Ang pagpapalabas ng ilang benepisyo ay maaanta-la. . Ang notification sa mga kinauukulang planholder kaugnay sa problemang ito ay kasalukuyang nagpapatuloy.
Gayunman, binigyang-diin ni Lorica na ang memorial services benefit ng life plan ay agad na ipagkaka-loob. Ang kompanya ay may mahigit sa 300 accredited mortuaries sa buong bansa na magkakaloob ng memorial services.
Ang lahat ng kompanya sa buong mundo, malaki at maliit, ay nakararanas ng hambalos ng COVID -19 pandemic. Ang bawat isa ay nagpapatupad ng mga drastikong hakbang upang maka-survive. Ayon kay Lorica, ang lahat ng ginagawa ng Eternal Plans ay para matiyak ang pagtutuloy-tuloy ng kompanya para sa kapakanan ng lahat ng planholders nito.
Naniniwala siya na magbabago ang sitwasyon kaya ang Eternal Plans ay patuloy na magbabantay at maghahanap ng mga solusyon para mapabilis ang pagbangon.
Kumpiyansa si Lorica, nagsisilbi ring presidente ng Philippine Federation of Pre-need Plan Companies (PFPPC), na sa mga ipinatutupad na hakbang at sa patuloy na pagbabantay ng kompanya ay mala-lagpasan ng Eternal Plans ang unos.
Ang Eternal Plans ay ang pre-need arm ng ALC Group of Companies na itinayo ni Ambassador Antonio L. Cabangon Chua.
Comments are closed.