EX-BRGY. CHAIRMAN NILIKIDA NG TANDEM

riding in tandem

SURIGAO DEL NORTE – PINABULAGTA ang 61-anyos na dating barangay chairman na kasalukuyang barangay kagawad makaraang ratratin ng riding in tandem suspects sa Purok 2, Brgy. Balibayun, Surigao City noong Martes ng hapon.

Napuruhan sa dibdib ang biktimang si Lani Escalante Tereso ng nasabing barangay.

Sa police report na nakarating kay Police Lt. Col. Christian Rafols, hepe ng Surigao City-PNP, nakaupo ang biktima sa labas ng kaniyang bahay nang lapitan at ratratin ng gunman bandang alas-3 ng hapon.

Matapos ang pamamaril, kaagad namang tumakas ang gunman sakay ng motorsiklong walang plaka patungo sa direksiyon ng Brgy. Taganaan.

Patuloy naman ang imbestigasyon habang nagpalabas na ng P200k reward money ang alkalde ng Surigao City sa sinumang makapagtuturo sa mga suspek. MHAR BASCO

Comments are closed.