EX-DRUG DETAINEE SAKOTE SA P309.4K SHABU, BARIL AT MGA BALA

shabu at baril

CAVITE – Kulungan ang binagsakan ng 43-anyos na lalaki na nasa drug watchlist bilang drug courier makaraang makumpiskahan ng P309.4K halaga na shabu, baril at mga bala sa inilatag na anti-drug operation ng pulisya at Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA4A) sa bahagi ng Sitio Longos, Barangay Zapote 5, Bacoor City kama­kalawa ng gabi.

Kasalukuyang isinailalim sa tactical interrogation ang suspek na si Arnold “Nold” Sumacot y Oribe ng nabanggit ng barangay.

Ayon sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nasamsam sa suspek ng 15 plastic sachet na shabu na tumitimbang na 45.5 gramo na may street value na P309, 400.00.

Bukod sa droga ay nakumpiska rin kay Sumacot ang isang improvised shotgun, isang cal. 9mm pistol, mga bala ng shotgun, pistola,  digital weighing scale, body bag camouflage at P200 marked money.

Nabatid din sa police report na ang suspek ay kinasuhan na rin ng paglabag sa RA 9165 at nilitis sa sala Judge Matias M. Garcia ng Regional Trial Court Branch 19.

Gayon pa man, pansamantalang pinalaya makaraang mag bail bond noong Dec. 7, 2016 subalit nagpatuloy pa rin sa drug trade hanggang sa muling masakote sa operasyon ng pulisya.

Nahaharap uli sa panibagong kasong paglabag sa RA 9165 at RA10591 (Omnibus Election Code) ang suspek na isinailalim sa physical examination habang pine-chemical analysis naman ang nasamsam sa shabu. MHAR BASCO