EX-HUSBAND pala ni Ana Jalandoni ang pinagselosan ni Kit Thompson kaya siya binugbog nito sa Tagaytay. Sa salaysay ni Ana, binantaan siya ni Kit na papatayin kapag hiniwalayan niya ito tulad ng pakikipaghiwalay niya sa kanyang husband. Aminado rin siyang kasal siya sa kanyang asawang pulitiko sa Nueva Ecija na si Renan Morales. Nagpakasal umano sila sa Amerika noong 2017 pero naghiwalay din noong 2018.
Pamilyar ang pangalan ni Renan sa showbiz dahil anak siya ni Rhodora “Doray” Morales, ang producer ng Trip Ni Kris, TV special ni Kris Aquino na ipinalabas sa GMA-7 noong April 9, 2017. Naging kontrobersiyal si Renan dahil pinaratangan siya ni Kris na manggagamit noong panahong pinaniniwalaang karelasyon na ni Renan si Ana.
“Okay, super nagamit ako because the son wants to be vice governor of Nueva Ecija. Super use-me-in-a-sentence talaga ang nangyari,” sabi naman ni Kris sa isang interview.
Itinanggi naman ni Renan na nakarelasyon niya si Kris pero aminado siyang nakarelasyon niya sina Andrea del Rosario, Juliana Palermo, at Jeni Hernandez.
KIT TINUTUKAN NG KUTSILYO SI ANA
Going back to Kit Thompson, tinutukan umanonito ng kutsilyo si Ana Jalandoni sa leeg bago pa ang bugbugan blues. Talaga umanong may aggressive behavior ito at mainitin ang ulo.
Akala umano niya ay biro lamang ito, ngunit syempre, masama itong biro. Nakakamatay.
Na-shocked umano si Ana pero pinigilan niyang umiyak dahil baka mag-freak out ito dahil mainitin nga ‘yung ulo niya. Tumakbo umano siya paakyat sa bahay at pinaalis si Kit pero hindi ito umalis.
“Pinaliwanagan ko siya kasi may mga phobia ako sa gano’n. Ayoko ng away, ayoko ‘yung pag nag-aaway nagmumurahan kasi ‘yung sa ex ko gano’n,” dagdag niya. “Napaka-toxic, nakakatakot kasi nangyari na sa ‘kin. Ayoko na.”
Noong una, nagmumura at nagtutungayaw lamang umano si Kit kapag nag-aaway sila, pero lagi itong nag-a-apologize at pinatatawad naman niya. Pero nang lumaon, sinasaktan na umano siya nito.
BARBIE IMPERIAL HININTAY PALA SI DIEGO LOYZAGA NA BALIKAN SIYA
Kinumpirma ni Barbie Imperial na hinintay niyang balikan siya ni Diego Loyzaga noong una silang mapabalitang nag-break. Umasa siyang babalikan pa siya ni Diego.
“Hinintay ko po siya ng one week. Sinolo ko talaga yung breakup,” amiya. “As in, nasa kuwarto lang ako. Kapag nasasaktan kasi ako, mas doble yung sakit para sa nanay ko. So, kinimkim ko muna mag-isa. Tapos nung medyo kaya ko na nang konti, doon ko sinabi kay Mama.”
Kaya lang, hindi siya hinabol ni Diego.
Sa ngayon, naka-move na raw siya at magkaibigan na rin sila.
Ani Barbie, “Okay po kasi kami. Hindi naman po kami magkaaway, pero hindi po kami nagbalikan. Friends lang.”
PIA WURTZBACK PUMAPATOLA SA BASHERS
Napilitang sumagot ang beauty queen-actress na si Pia Wurtzbach na patulan ang isang basher na iniisyu sila ni Miss Universe titleholder Catriona Gray.
Binabatikos kasi siya ng mga bashers at inakusahan si Pia at ang “team” nito na nasa sinisiraan si Catriona.
“Bakit ako?” ani Pia. “Wala po akong ‘team or attack dogs. At wala akong intention ever na mang ‘attack’ ng ibang tao.”
Aniya, lagi siyang nakakatanggap ng messages tungkol sa umano’y cold war nil ani Catriona.
“Honestly, nakakapagod. Why cant we just celebrate ALL WOMEN? ALL Queens? Bakit kailangan may ‘team’ nila, ‘team’ ko? Tapos may mga imaginary scenarios pa in your head that were all at war? I competed 7 years ago. Matagal na akong graduate sa pageants.”
Dagdag pa niya, walang away sa pagitan niya at iba pang beauty queens at masaya siya sa kapwa niya beauty queens dahil pare-pareho silang “may ganap” sa kani-kanilang mga career.
JULIO DIAZ KALALAYA LANG RATSADA NA SA PELIKULA
Kalalaya pa lang ni Julio Diaz, may movie contract na siya agad sa Viva Films at ngayon at isa sa mga proyekto niya ay ang bagong Vivamax series na Iskandalo.
Talent na siya ng Viva Films bilang “pinaka-senior” sa mga bagong contract star ng Viva Artists Agency at the age of 63.
Nakahilera para kay Julio ang mga pelikulang Kaliwaan, Virgin Forest, Pusoy, at Iskandalo at balita namin, may movie rin siya kasama si Coco Martin.