BULACAN – WASAK ang isang sangay ng commercial bank sa McArthur Highway sa Brgy. Abangan Norte sa Marilao.
Ganap na alas-10:00 ng umaga, habang nasa kasagsagan ng malakas na ulan nang maganap ang pag-araro ng kulay puting Audie SUV na may plakang PN 8943.
Bigla na lamang sumibat ang naturang sasakyan na minamaneho ni dating Marilao Mayor Epifanio V. Guillermo, 83-anyos, ng Brgy. Poblacion 2 sa bayang ito.
Sa report ni Lt.Col.Amado Mendoza, sugatan ang dalawang security guard na sina Juanivar Felices at Gerald Hermogenes kapwa nasa hustong gulang.
Kabilang rin sa nasugatan ay ang kliyente ng bangko na si Kristine Lanoza ng Northville 4, Brgy. Lambakin.
Kaugnay nito ay patuloy nang nilalapatan ng lunas sa isang pribadong klinika ang mga nasugutan sa nabangit na bayan.THONY ARCENAL
Comments are closed.