EX-OFW NAG-SUICIDE NANG MA-DENY ANG VISA APPLICATION

suicide

ISABELA – PINANINIWALAANG sama ng loob na hindi na nakayanan kaya naisipang magpakamatay ng isang dating overseas Filipino worker (OFW) sa pamamagitan ng pagbigti gamit ang isang lubid na itinali sa steel truss sa loob ng isang bodega sa Barangay San Antonio Mainit, Echague.

Alas-10 ng umaga,  Setyembre 3 nang matag­puan ng kanyang kasama sa trabaho na si Jeffrey Tamuradi ang katawan ng biktima na nakabitin at wala ng buhay sa loob ng bodega sa nasabing barangay.

Kinilala ng Echague Police Station ang biktima na si Roberto Aguot Paet, 29, binata, residente ng Sicalao, Lazam, Cagayan, kasalukuyang nag-tatrabaho sa isang farm bilang isang laborer.

Ayon sa imbestigador ng PNP Echgaue, nadepress umano ang biktima kaya nagawa ang pagpapakamatay dahil sa na-denied ang kanyang visa na magtrabaho sa bansang Korea.

Samantala, sa Nueva Vizcaya, isa ring binata ang nagpatiwakal sa pamamagitan din ng lubid dahil naman sa problema sa pag-ibig.

Nakilala ito na si John Gabriel De Francia, 20, residente ng Baretbet, na bago nagbigti sa pamamagitan ng lubid ay idinaan pa ito sa social media na nagpaalam sa pamamagitan ng pag-video sa kanyang pagpapakamatay. IRENE GONZALES

Comments are closed.