PASAY CITY – ISANG dating bilanggo na nahaharap sa kasong illegal drugs sa Mandaluyong City jail ang namatay matapos na ito ay pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin kamakalawa ng gabi sa lungsod na ito.
Ang biktima ay nakilalang si Fernando Ibanez, 57, nakatira sa #158 Twin Pioneer St., Extension, Brgy. 189, Zone 20, Pasay City. Si Ibanez ay nagtamo na maraming tama ng bala sa ulo at katawan na sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Ayon sa report ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong 11:45 ng gabi sa kahabaan ng Guiho St., Brgy. 145, Zone 16, Pasay City.
Ayon sa pulisya sila ay nakatanggap ng report sa isang concerned citizen hinggil sa naganap na barilan sa naturang lugar.
Agad naman rumesponde ang pulisya upang alamin ang naturang report at dito ay natagpuan nila ang nakahandusay at duguang biktima na tadtad ng bala sa ulo.
Base sa record ng pulisya ang biktima ay kalalaya pa lamang sa pagkakakulong nito sa Mandaluyong City Jail dahil sa kasong droga.
Sa ngayon ay iniimbestigahan pa ng mga pulisya ang naganap na pamamaril. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.