EX-VICE GOV NG SULTAN KUDARAT INAMBUS

pagbabarilin

PATAY ang dating  vice governor ng Sultan Kudarat matapos na pagbabarilin sa National Highway ng Brgy Bilumin, Lambayong, Sultan Kudarat.

Sa ulat ng PRO 12 pasado ala-1:00 ng tanghali kahapon sakay ng  kanyang itim na pick up si Rolando Guerrero nang buntutan ng motorcycle riding in tandem suspects at pagbabarilin.

Nagtamo ang biktima, ng tama ng bala ng baril sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Nakatakas naman agad ang mga suspek na ngayon ay target na ng manhunt ­operation ng pulisya. REA SARMIENTO

Comments are closed.