BUMABA ang external debt ng bansa ng 2.6% sa unang tatlong buwan ng taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang external debt ay ang pinagsamang foreign currency-denominated obligations kapwa ng public at private entities sa Filipinas.
Sa isang statement, sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na ang outstanding external debt ng bansa ay nasa $81.4 billion o tinatayang P4.070 trillion hanggang noong katapusan ng Marso, mas mababa sa $83.6 billion na naitala hanggang noong katapusan ng Disyembre 2019.
“The decline in the debt level during the first quarter was due to net repayments of $4.0 billion largely attributed to the settlement of short-term (ST) maturing obligations by the private sector,” ani Diokno.
Sa datos ng central bank, ang total outstanding debt bilang percentage ng gross domestic product (GDP) o external debt-to-GDP ratio ay gumanda sa 21.4% mula 22.2% noong nakaraang taon.
“The ratio indicates the country’s sustained strong position to service foreign borrowings in the medium to long-term,” sabi ni Diokno.
Dagdag pa niya, ang external debt-to-GDP ratio ng bansa ay nananatiling isa sa pinakamababa kumpara sa ibang ASEAN member countries.
Ang major creditor countries ng Filipinas ay ang Japan sa $14.9 billion, United States of America sa $3.6 billion, The Netherlands sa $3.3 billion, at United Kingdom sa $3.2 billion.
Ang loans mula sa official sources o multilateral at bilateral creditors, na binubuo ng Japan sa $8.2 billion, China sa $807 million, at Singapore sa $421 million, ang may pinakamalaking share sa 33.6% ng total outstanding debt, sumusunod ang foreign holders ng bonds at notes sa 31.6%.
Samantala, ang mga obligasyon sa foreign banks at iba pang financial institutions ay may share na 28.9%; at ang nalalabing 5.9% ay inutang sa ibang creditor types, pangunahin ang suppliers o exporters. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.