EXTORTION o pangongotong ang motibo kaya naghagis ng pampasabog ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) Dawlah Islamiyah Abu Torayfe group sa harap ng pamilihang bayan noong Sabado.
Ito ang inisyal na imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) matapos na marinig ang mga testimonya ng mga negosyante sa pinangyarihan ng pagsabog.
Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, bago ang insidente ay nagbanta ang grupo na magpapasabog kapag hindi naibigay ang kanilang demand na 250,000 sa local government unit (LGU) ng Isulan.
Sa kabila ng inisyal na imbestigasyon ng PNP hindi nila inaalis ang posibilidad na may kaugnayan sa terorismo ang pagsabog dahil sa improvised explosive device (IED) ang ginamit sa pagsabog.
Inaalam nila ngayon kung kaninong signature ang bombang sumabog.
Sa nangyaring pagsabog sa public market sa Isulan, Sultan Kudarat, pito ang sugatan. REA SARMIENTO
Comments are closed.