PASAY CITY – PUSPUSANG pag-iingat ang ipinayo ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga overseas Filipino worker (OFW) na nakabase sa Libya.
Ito ay kasunod ng atas ng Presidential Council ang paglapit ng government forces sa Tripoli na isang senyales na maaaring sumiklab ang labanan doon.
Pinayuhan na rin gg Philippine Embassy sa Libya ANG Filipino communities na maging mapagbantay upang maiwasan ang anomang kapahamakan.
Tiniyak naman ng DFA na patuloy ang monitoring ng embahada sa nasabing bansa kasunod ng deklarasyon ng state of emergency dahil pagkilos ng militar doon.
Batay sa record, mayroon nang labanan sa labas ng Tripoli habang naitala na rin ang troop movement sa labas ng capital ng Libya.
Una nang ipinag-utos ni Eastern Libyan Commander Khalifa Haftar sa kanyang kawal na lumapit sa Tripoli at pinangangambahan na lumala ang gulo kaya naman pinayuhan ang mga overseas Filipino workers doon na mag-ingat at huwag sasali sa gulo. GELO BAINO