KAKAILANGANIN ng ahensiya ang muling pag-angkat ng bigas ngayong taon para maipagpatuloy ang pagtatayo ng naubos na buffer stock, ayon sa spokesman kamakailan habang humahanap ng alok sa isang open tender para sa dagdag pang 250,000 tons.
Wala pa namang final volume at timing para sa dagdag na pagbili ng bigas ng National Food Authority (NFA), na nangangailangan pa ng approval ng kanilang council, pahayag ng kanilang spokesman na si Rex Estoperez.
“We need to import more this year for the lean months,” pahayag niya, patungkol sa mga buwan ng Hulyo hanggang Setyembre kung saan mahina ang ani na halos wala nang maani. “It needs planning and the budget.”
Tumanggap ang NFA ngayong buwan ng alok na suplay mula sa Vietnam at Thailand para sa total volume na 250,000 tons sa isang government-to-government deals, before Tuesday’s second tender.
Puwedeng umangkat ang Pilipinas, na malimit na bumili ng bigas, ng hanggang 1.4 million ton ng pangunahing pagkain ngayong taon, na ilan sa pinakamalaking pagbili ng bigas, base sa projection ng United States Department of Agriculture.
Nais ni President Rodrigo Duterte na magtayo ng rice buffer stock ang NFA na katumbas ng 60 araw ng national consumption, o hanggang 1.92 million ton, mula sa wala pang dalawang araw na paggamit noong Marso.
Humiling ang NFA ng 25 percent sa supply ng iba’t ibang klase ng bigas sa open tender, na may 13 suppliers at traders, karamihan ay galing sa Thailand at Vietnam, na nagbibigay ng valid offers, pahayag ng NFA.
Ang bid ay nasa $461.75 hanggang $465.04 kada tonelada, mababa sa budget ng ahensiya na $498.25 kada tonelada.
Ang karagdagang delivery na 250,000 tonelada ay dapat na makumpleto bago mag-Setyembre, habang ang shipment ng unang 250,000 tonelada ay inaasahang darating sa susunod na linggo na dapat makapagpagaan sa upward pressure sa domestic prices, ayon kay Estoperez.
Ang unti-unting pagkawala ng supply ng murang bigas ng NFA ay sanhi ng pagkabalam sa import ap-provals, pagsipa ng presyo ng mga bilihin udyok ng domestic prices. Ito ay nagbunga ng inflation, na mabilis na bumulusok sa loob ng limang taon nitong Abril.
Comments are closed.