FACE MASK, FACE SHIELD AT GLOVES ISUOT KAPAG MAGPAPAKAIN NG ASO

AKLAN – IPINAG-UTOS ng Office of the Provincial Veterinarian (Opvet) sa mga residente ng Kalibo na magsuot ng face masks, face shield at gloves kapag magpapakain ng kanilang alagang aso o pusa dahil sa banta ng Delta variant ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Ronald Lorenzo, isang veterinarian at pet welfare advocate, may natanggap silang ulat na ilang owners ng aso sa kanilang lugar ang nagkaroon ng COVID-19 at kinailangan manatili sa quarantine facility habang naiwan ang mga hayop sa loob ng dalawang linggo.

Upang hindi na maulit ang ganoong senaryo, dapat na aniyang magsuot ng personal protective equipment (PPE) ang owners sakaling magpapakain ng alaga para iwas sa hawahan.

“Especially if the pets are going around the community, the pets may catch the virus and bring it to our own homes. We must be vigilant and careful,” sabi ni Lorenzo.

Sinabi naman ni Mabel Sinel, chief ng Opvet-Aklan, na nanawagan sila para maging responsible pet ownership na sakaling madala sa quarantine facility ay ihabilin ang mga alagang aso nang hindi na gumala.

10 thoughts on “FACE MASK, FACE SHIELD AT GLOVES ISUOT KAPAG MAGPAPAKAIN NG ASO”

  1. 489085 300432Currently it seems like BlogEngine may be the finest blogging platform out there correct now. (from what Ive read) Is that what you are utilizing on your blog? 418730

Comments are closed.