NAKIPAG-PARTNER ang Facebook sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sanayin ang Pinay entrepreneurs sa pagpapalago ng kanilang businesses online.
Ang partnership ay nagsanay kamakailan sa mga participant sa online marketing.
“This year, we look forward to supporting more women entrepreneurs, by providing them with critical skills and tools to help them thrive in the digital marketplace,” wika ni Beth Ann Lim, head ng Commu-nity Affairs for Asia Pacific at Facebook.
Inilunsad sa Filipinas noong 2017, ang #SheMeansBusiness ay naglalayong maabot ang women entre-preneurs sa pamamagitan ng serye ng workshops at online resources sa pagpapalago ng kani-kanilang negosyo.
“We at the DICT are happy to work with Connected Women and Facebook to help us reach and teach women about ICT-related livelihood opportunities and how to access them,” pahayag ni Atty. Ivin Ronald D.M. Alzona, assistant secretary ng DICT.
Ang unang workshop ngayong taon ay idinaos sa Muntinlupa City, isa sa Information Communication Technology Centers for Excellence sa Filipinas.
Apat na workshops pa ang isasagawa sa bansa, ang susunod ay sa Baguio City sa Hulyo 26. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.