FAJARDO NANGUNGUNA SA BPC, MVP RACES

June Mar Fajardo

NAKAAMBA si San Miguel superstar June Mar Fajardo para sa record-setting seventh Best Player of the Conference award at sa record-breaking fifth Most Valuable Player trophy.

Sa pagtatapos ng quarterfinals, naunahan na ni Fajardo si Vic Manuel ng Alaska pagda­ting sa average statistical points (SPs) sa 2018 PBA Com-missioner’s Cup.

Si Fajardo, may average na 19.6 points at 11.4 rebounds per game sa elimination round, ay may average na 38.77 SPs sa pagtatapos ng quarterfinals.

Bumagsak si Manuel, may maliit na kalamangan kay Fajardo sa pagtatapos ng eliminations, sa ikalawang puwesto na may average na 37.58 SPs.

Nasa ikatlong puwesto si Stanley Pringle ng GlobalPort na may 36.08 average SPs pagkatapos ng Commissioner’s Cup quarterfinals.

Bumabandera rin si Fajardo sa karera para sa Most Valuable Player award ng season, na may average na 29.6 SPs pagkatapos ng dalawang conference. Nasa malayong pangalawa si Pringle, na may 25.3 average SPs.

Tangan ng San Miguel center ang record para sa pinakamara­ming BPCs, na may anim. Katabla niya sina Mon Fernandez at Alvin Patrimonio para sa may pinakamaraming MVPs, na may apat.

Pumapangatlo sa MVP race si Japeth Aguilar ng Ginebra, na may 23.6 SPs, kasunod ang dalawang SMB standouts — Arwind Santos (23.4 SPs) at Alex Cabagnot (22.0 SPs).

Samantala, nangu­nguna naman si  Jason Perkins sa karera para sa Rookie of the Year honors makaraang makalikom ng average na 15.10 SPs matapos ang dalawang conference. Nasa malayong pangalawa si Blackwater’s Raymar Jose na may 9.94 SPs, at pangatlo si Robbie Herndon ng Magnolia na may 9.09 SPs.

Comments are closed.