FAJARDO, THOMPSON, STANDHARDINGER AGAWAN SA MVP AWARD

PAG-AAGAWAN ng Barangay Ginebra tandem nina Scottie Thompson at Christian Standhardinger, kasama si June Mar Fajardo ng San Miguel, ang top individual award sa pagtatapos ng PBA season.

Ang tatlo ay awtomatikong kandidato para sa Most Valuable Player honors makaraang mapagwagian ang Best Player of the Conference award sa magkakahiwalay na pagkakataon.

Si Fajardo ang BPC sa All-Filipino Cup, habang kinuha ni Thompson ang award sa Commissioner’s Cup.

Si Standhardinger ang pinakahuling winner, kung saan naiuwi niya ang award sa season-ending Governors’ Cup.

Isang six-time Most Valuable Player, si Fajardo ay muling naging eligible para sa parangal makaraang maglaro ng 46 sa 59 games sa PBA season.

Si Thompson ang reigning MVP.

Ayon sa website ng liga, maaaring madagdag ang fourth o fifth candidate sa listahan ng contenders kung nakalikom sila ng sapat na statistical points sa buong PBA season.

The winner — to be determined via voting among the players and the PBA media — will be unveiled ahead of the opening ceremony of the next season.

“Itutuloy na natin ang bagong tradition na sabay ang Leo Awards sa opening ng susunod na season. Ito ay para sa fans. Mas masaya ang fans dito dahil halos lahat ay present sa set-up na ito,” sabi ni PBA commissioner Willie Marcial.

The league’s 48th season is expected to tip off in October, after the FIBA Basketball World Cup and the Asian Games.