NANGANGANIB na makaapekto sa desisyon ng mga botante ang paglaganap ng fake news.
Ayon kay Communications Professor Clarissa David ng University of the Philippines, malaki ang maitutulong ng traditional media upang hindi makaapekto ang fake news sa kung paano pipili ng kanilang mga kandidato ang mga botante.
Sinabi ni David na dapat maging boses ng katotohanan ang traditional media sa harap ng paglaganap ng fake news sa social media mula sa ilang nagpapakilalang media influencers.
Sa pamamagitan ng pagbubunyag ng traditional media, maaaring maglagay ito ng duda sa publiko na posibleng puro peke ang mga balitang lalabas sa isang partikular na media influencer. DWIZ882
Comments are closed.