FALCONS DINAGIT ANG TAMARAWS

Mga laro sa Sabado
(Mall of Asia Arena)
9 a.m. – UE vs AdU (Women)
11 a.m. – FEU vs DLSU (Women)
2 p.m. – AdU vs UST (Men)
4 p.m. – NU vs Ateneo (Men)

NALUSUTAN ng Adamson ang pagkawala ni injured guard Jerom Lastimosa upang maitakas ang 63-54 panalo laban sa Far Eastern University at makabalik sa Final Four contention sa UAAP men’s basketball tournament kahapon sa Araneta Coliseum.

Binura ng Falcons ang seven-point deficit sa fourth quarter upang putulin ang three-game losing skid at umangat sa 4-5 kartada.

Nanatiling nakadikit ang Adamson sa defending champion Ateneo, na naglalaro kontra University of the Philippines hanggang press time kagabi, sa karera para sa No. 4 spot. yon sa eskuwelahan, si Lastimosa ay nagtamo ng full ACL tear sa kaliwang tuhod sa kanyang season debut noong nakaraang Miyerkoles.

“I received the medical record last night, confirming that si Jerom ay may full tear sa ACL,” wika ni Adamson athletic director at UAAP Board of Managing Director Fr. Aldrin Suan.

Nanguna sina Joshua Yerro at Joem Sabandal para sa Falcons na may 11 at 10 points, ayon sa pag- kakasunod.

“’Yun nga kailangan namin ‘yung consistency, so we need to work on that, lalo na ako, dapat hindi ako nagko-commit ng turno- vers, so crucial ‘yun para sa amin kailangan matuto ako doon,” sabi ni Sabandal.

Nabigo ang Tamaraws na masundan ang kanilang pagsilat sa Blue Eagles noong nakaraang Miyerkoles upang mahulog sa 3-6 kartada.

Tumapos si LJay Gonzales, na ang buzzerbeating triple ay nagdala sa FEU sa 62-61 victory kontra Ateneo, na may 18 points, 6 rebounds, 3 assists at 2 steals habang nagdagdag si Jorick Bautista ng 13 points at 3 assists.

Iskor:
AdU (63) – Yerro 11, Sabandal 10, Calisay 9, Hanapi 5, Montebon 5, Erolon 5, Manzano 4, Ramos 4, Magbuhos 3, Ojarikre 3, Barasi 2, Colonia 2, Barcelona 0, Canete 0.

FEU (54) – Gonzales 18, Bautista 13, Torres 9, Bagunu 5, Tempra 4, Faty 2, Ona 2, Sleat 1, Beato 0, Buenaventura 0, Competente 0, Montemayor 0.

QS: 18-7, 40-25, 56- 40, 63-54.