UPON the requests ng fans ni Pambansang Bae Alden Richards, nag-release na ang GMA Records ng ticket price para sa coming concert niya na “Alden Richards Adrenaline Rush” sa Setyembre 21, 2018, sa Kia Theatre, Araneta Center, Cubao, Quezon City.
Nauna rito, after i-announce na puwede nang tumawag sa GMA Records for ticket inquiries, bumaha agad ng tawag sa opisina ng recording company. Tweet nila sa Twitter account nilang @RealGMARecords last Tuesday, June 26: “Lakas ng ulan sa labas pero nasusunog ang telepono namin! Receiving so much love for Alden Richards’ ticket inquiries for the #AldenAdrenalineRush-Concert.” Hindi kasi nila ibinigay ang ticket price nang i-announce na nila ang tungkol sa concert, at kung paano nila ma-acquire ito sa Ticketnet.
Narito ang concert ticket price: VIP – P4,780 (with free album); Platinum -P3,880; Gold – P 2,780; Silver–P1,780. Tickets will be officially released via Ticketnet on Friday, June 29, at 10:00 AM.
GLAIZA DE CASTRO MISTULANG WORK OUT
ANG MGA EKSENA SA SERYE; NANGANGAYAYAT NA
AMINADO si Glaiza de Castro na pumapayat siya sa pagti-taping niya ng top-rating afternoon drama series nilang “Contessa,” pero hindi siya nagrereklamo.
“Actually po natutulungan pa ako ng role ko bilang si Contessa na palaban, walang inuurungan,” sabi ni Glaiza nang bumisita kami sa set nila. “May times po kasing kailangan naming maaga sa set, kaya doon na kami sinisikatan ng araw. At kapag nag-take na kami ng mga action scene, para na rin akong nagwu-work out, pinagpapawisan, tapos fresh air. Hindi po kasi maiwasan na maa-ga kaming mag-taping, lalo na kung ang iti-tape namin ay ipalalabas na kinagabihan. Kaaway na po namin ang weather, kapag umu-lan na hindi na kami makapag-shoot ng mga eksenang dapat naming kunan. Kaya kailangang i-tape namin the following day para maipalabas kinagabihan. Wala kaming naka-reserve na eksena.”
Mahirap talaga sa kanila, napapanood sila from Mondays to Saturdays, after “Eat Bulaga,” kaya kailangan nilang mag-taping ng four days a week at kapag may days na hindi nga sila makapag-taping, kailangang double time sila sa susunod na taping day.
Sa mga hirap nga na dinaranas ni Glaiza, lalo ngayon na todo ang laban nila ni Duquesa Dolce Vita (Gab-by Eigenmann), siguro raw pagkatapos ng kanilang serye, hihingi muna siya nang matagal-tagal na bakasyon sa GMA.
Comments are closed.