UMAABOT sa kabuuang 1,346 magsasaka sa Bicol ang nakatanggap ng mga makina at kagamitang pang-bukid na nagkakahalaga ng P4.3 milyon sa isang seremonya na ginanap nitong Agosto 18 sa Sunshine International School Auditorium sa Daraga, Albay.
Sinabi ni DAR Secretary Brother John Castriciones na ang mga magsasakang nabigyan ng ayuda ay kasapi ng sampung agrarian reform beneficiaries organisations (ARBOs) mula sa mga lalawigan ng Albay, Catanduanes at Masbate.
“Ang mga makinang ito ay makatutulong upang maging moderno ang pagsasaka sa mga lalawigan dito.
Ang mga kagamitan naman ay makatutulong sa negosyong meat and fish processing ng mga kooperatiba,” ani Brother John.
Ang ipinamahagi ay ang mga sumusunod: tatlong hauling trucks, isang tractor with trailer, tatlong dressing machines, isang power tiller, tatlong chest freezers, dalawang electric meat grinders, anim high-density ice boxes, tatlong digital weighing scales, limang topdown mechanized haulers, at isang generator.
“Kailangan talaga ng ating mga magsasaka ng konkretong tulong galing sa pamahalaan. Sa panahon ngayon ng pandemya, halos lahat ng kalakal o korporasyon ay lugi, pabagsak lahat. Pero ang sandalan natin, ‘yung ating mga magsasaka. Kung walang magsasaka, walang pagkain sa hapag kainan,” saad ni Brother John.
Ang mga samahan ng ARBOs sa tatlong lalawigan ay kasalukuyang nasasakop sa ilalim ng mga sumusunod na programa ng DAR: Linking Smallholder Farmers to Market (LinksFarm), Climate Resilient Farm Productivity Support Project (CRFPSP), and the PaSSOver: ARBold Move for Deliverance of ARBs from the COVID-19 Pandemic o ARBold project.
Sinabi naman ni DAR-Bicol Regional Director Rodrigo Realubit na sa ilalim ng mga programang ito, ang mga ARBO ay binibigyan ng mga kagamitan sa bukid na nakabatay sa ani upang mapahusay at mapanatili ang pagiging produktibo sa gitna ng pandemya at mga epekto ng pagbago-bago ng klima.
Si Senestorio Atuli, Tagapangulo ng Southern Legaspi Upland Barangays Linksfarm Farmers Association, ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa suportang ibinigay ng DAR.
“Nu’ng wala pa kaming lupa, kung ano-anong paraan ang ginagawa namin para kumita. Ngayong nagka-lupa na kami, sunod-sunod ang suportang natatanggap namin mula sa DAR,” salamat po,” ani Atuli.
Ang 10 ARBOs na nakatanggap ng mga makina at kagamitang pang-bukid ay ang: Masawarag Farmers Association, Southern Legaspi Upland Barangays LinksFarm Farmers’ Association, Sa Agrarian Reform Iriba Gabos sa Kauswagan, Vinisitahan-Igang-Cajagutan-Sn. Pedro Irrigators Association, Rizal Community Dev’t. Org., Dororian Farmers Producers and Livelihood Association, Sampaloc Agrarian Reform Beneficiaries’ Org., Ranch 2 Maasahan ARBs Org., Jamorawon Multi-Purpose Cooperative, at K4 sa Mislagan. BENEDICT ABAYGAR, JR.
381566 361729You need to participate in a contest for among the very best blogs on the web. I will suggest this internet site! 572077
Hi there! I just want to offer you a big thumbs up for the great info you
have got right here on this post. I will be returning to your website for more soon.
940086 463072Yay google is my king assisted me to discover this outstanding web site! . 864584
347065 306939This sort of considering develop change in an individuals llife, building our Chicago Pounds reduction going on a diet model are a wide actions toward creating the fact goal in mind. shed weight 356986
305753 173748oh well, Alicia silverstone is matured nowadays but when she was nonetheless younger, she may be the sex symbol of hollywood` 797551