MINAMADALI na ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagsusuri para mabigyan na ng Emergency Use Authorization (EUA) ang aplikasyon ng Gamaleya para sa kanilang COVID-19 vaccine na Sputnik V.
Sa pagdinig ng House Committee on Peoples’ Participation, inamin ni FDA Director General Eric Domingo na nahihirapan sila mag-asikaso sa aplikasyon ng Gamaleya para sa Sputnik V dahil ang mga dokumento na kailangan ay manggagaling pa sa Russia.
Dahil dito, umaapela si Domingo sa Embahada ng Russia na pahintulutan ang local partner ng Gamaleya sa Filipinas na pumirma sa mga dokumentong kina-kailangan sa kanilang EUA application upang mapadali ang proseso.
Ayon naman kay Vladisav Mongush, commercial Advisor ng Russian Embassy, inaasahang makakarating ang suplay ng Sputnik V sa Abril sakaling maaprubahan ang EUA nito ngayong Pebrero.
Batay pa sa kinatawan ng Russian embassy, ang supply na matatanggap ng Pilipinas ay sasapat para mabakunahan ang 1/3 hanggang 1/2 ng populasyon ng bansa at ligtas din ito para sa mga may edad na 65 taong gulang pataas.
Sa ngayon, tanging Phizer at AstraZeneca pa lamang ang nabigyan ng EUA ng FDA. CONDE BATAC
Comments are closed.