TINIYAK ng Food and Drug Administration (FDA) na walang special treatment na mangyayari lalo na sa pag-apruba sa mga candidate vaccines para sa COVID-19.
Ito ay sa kabila ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipaprayoridad ng pamahalaan ang COVID-19 vaccines na dine-develop ng China at Russia kapag napatunayang ligtas at epektibo ang mga ito.
Sinabi ni FDA Director General Eric Domingo, lahat ng mga bakuna ay masusing sinusuri at mahigpit na ine-evaluate.
“All of the vaccines will be checked expeditiously and will be evaluated expeditiously. There will be no special treatment for any of the vaccines,” ayon kay Domingo.
Bahagi ng evaluation team ay vaccine experts panel ng Department of Science and Technology (DOST).
Tiniyak nito na ang lahat ng proseso ay magiging patas sa lahat ng bakuna.
Ang regulatory processes ay pabibilisin para sa lahat ng applications para sa COVID-19 candidate vaccines. NENET VILLAFANIA
Comments are closed.