EKSAKTONG oras ay alas-6 at sa panahon ng inspeksiyon ay sa dulo ka mag-start mag-rounds corner to corner kasi nandoon ang masalimuot at mga itinatagong problema ng tauhan mo kung mayroon man.
Ayon kay Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp, kung pabagsak na ang balahibo ay wala munang vitamins/supplements na ibibigay, balansiyado ang pagkain at tubig lamang para mabilis mapalitan at sabay-sabay ang pag-tubo ng panibagong balahibo.
“Hindi puwedeng madaliin ang paglugon kasi maaaring masira siya rito, matutong maghintay!” ani Doc Marvin.
Sa sabong, ang nagmamadali ay lalo lamang naiiwanan at ang nakakasalubong ay napakatalas na tari.
Ayon pa kay Doc Marvin, anuman ang nilalang ng Diyos na may kinalaman sa paglipad ay buntot po ang nagkokontrol ng balanse.
“Since territorial in nature ang ating mga manok panlaban ayaw nila ng may nakaharang sa kanilang harapan. Isa sa paraan para maiwasan ang maging manfighter/salbahe, dapat sa likuran ka niya palagi everytime na hahawakan mo sila,” sabi pa niya.
“Iwasan ang paghila sa buntot hanggang maaari kasi masakit sa kanila iyong hahawakan hindi hihilahin!” dagdag pa niya.
Bawat gamefowl breeder may kanya-kanya pong pamantayan na sinusunod.
“Para sa akin ay napakaimportante na manipis/ tintingin ang binti na parang mongol pencil/lapis ang appearance ng binti kasi po ito ay inihahampas niya nang todo sa kanyang kalaban,” ani Doc Marvin.
“During growing stage by experience ay mababasa mo na kung may potential ang atin alaga,” dagdag pa nya.
674309 573809Average In turn sends provides will be the frequent systems that provide the opportunity for ones how does a person pick-up biological, overdue drivers, what 1 mechanically increases the business. Search Engine Marketing 383003