PUMALO sa P63-billion ang nakolekta ng Bureau of Customs (BOC) noong nakaraang buwan.
Ayon sa BOC, ang numero ay mas mataas sa P61.8-billion target para sa Pebrero, at sa P59.43-billion na nakolekta sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Dahil dito ay umabot na sa P133.38-B ang nakolekta ng Customs sa unang dalawang buwan ng taon.
“We will continue to innovate and implement sustainable reforms to boost the Bureau’s collection efficiency, which will contribute to the expansion and recovery of our national economy,” wika ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio.
Iginiit ni Rubio ang commitment ng BOC na i-modernize ang mga proseso at operasyon nito upang maisulong ang mas masiglang trade environment.